Saturday, 3 October 2015

'Hamog'
Rey Jorca Supranes
Kumakapit, nananalig;
Umaasa, naghihintay;
Sa mga palad na magbubukas
Para sumalo at damhin
Ang tunay na hangarin
Upang hindi tuluyang bumagsak
Sa walang katuturang wakas.
Sa mga talampakan
Mayr’ong panalangin
Sana’y kumawala kasabay
Sa pagbukas ng liwayway.
Sa bawat hakbang;
Sa bawat paglapat;
Ito’y bapor na sasalba
At magbibigay pag-asa.
Sa pagsikat ng araw
Unti-unting natunaw
Ang hindi nakasayaw.
Umaasang bukas
Ay papalarin
Para sila’y angatin.


Thursday, 1 October 2015

'AUTUMN'
By: Rey Jorca Supranes
There's nothing we can do
You have to let me go;
No matter how we try
I still need to say goodbye.
I'm your ev'ry tear
Disengaging from you ev'ry September.
Ev'ry time I'm about to fall,
You feel vulnerable
To the light breeze
Letting me flutter with ease.
As I blanketed the ground
I feel like I'm a gerund;
I'm made from a verb
And now I'm a noun.
It bludgeoned to see
Your bloodless artery.

Monday, 20 July 2015

'TIME'
Rey Jorca Supranes
Time flies.
Time heals all wounds.
Time corrects.
Time is shared.
Time is stolen.
Time is borrowed.
Time is loaned.
Time is consumed.
Time is used.
Time can't be owned.
Time is tethered.
Time is restrained.
Time is trained.
Time is kept.
Time is spent.
Time is lost.
Time can be found.
Time can't turn back.
Time can't be pushed back.
Time does not yield.
Time does not wait.
Time is mechanical.
Time is tyrannical.
Time is stubborn.
Time scares.
Time is attainable.
Time is unattainable.
Time rushes.
Time chases.
Time is chased.
Time is restrained.
Time is carefree.
Time is free.
Time moves.
Time is standard.
Time is exact.
Time is definite.
Time is vague.
Time is ambiguous.
Time is limited.
Time is wasted.
Time counts.
Time is difficult.
Time is easy.
Time is unmindful.
Time satisfies.
Time is disconcerting.
Time guarantees.
Time does not guarantee.
Time is priceless.
Time is money.
Time is gold.
Time is important.
Time is valuable.
Time is wanted.
Time is managed.
Time is quality.
Time has quality.
Time has boundaries.
Time repeats itself.
Time is honoured.
Time is less.
Time is full.
Time is out.
Time is off.
Time lapsed.
Time is lined.
Time is put in a capsule.
Time warps.
Time is zoned.
Time is slotted.
Time lags.
Time is lagged.
Time is logged.
Time is framed.
Time is tested.
Time is tabled.
Time is being worn.
Time-worn.
Time is availability
Time is unavailability.
Time is about timing.
Time is killed.
Time kills.
Time is always awake.
Time is running.
Time strikes.
Time slips by.
Time goes by.
Time passes you by.
Time is a great teacher.
Time is timed.
Time is after time.
Time comes to life.


'BALAT'
Rey Jorca Supranes

Binabalot ng balat ang tao kaya malawak ang sinasakop nito sa ating katawan. Nagsisilbi itong panangga sa matinding temperatura - nakakasunog na init ng araw, sobrang nakakaginaw na lamig. Pinoproteksyunan din tayo ng ating balat sa mga posibleng impeksyon at matatapang na kemikal. Ang balat ay nagbibigay indikasyon para ating maramdaman ang mga nangyayari sa ating paligid. Tunay na malaki ang silbi ng balat sa katawan ng tao.
KULAY NG BALAT
Ang melanin ang nagbibigay kulay sa balat ng tao. Nagdedepende sa lokasyon ng bansa kung gaano kadaming melanin ang pino-prodyus ng katawan para pagbatayan sa kulay ng balat. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng iba't-ibang kulay ang balat ng tao. Mayroong mapuputi, kayumanggi at maiitim. Maraming tao ang nakaranas at patuloy na dumadanas ng hirap at diskriminasyon dahil lang sa kulay ng balat nito. Kinaklasipika kasi ng tao ang balat sa primera klase, segunda mano at mababang-uri.
Ang balat na nagsisilbing proteksyon sa mga elemento na maaaring makasama sa tao ay siyang unang nagiging elemento para ikahiya, kamunghian at pandirihan ang pagkatao nito.
Sa katunayan wala namang kasalanan ang balat kundi ang mga hangarin at pagnanasa na bumabalot sa pagkatao.
Ito marahil ang dahilan kung bakit patuloy na sinusuportahan ang ideya na ang maputing balat ay ang superyor sa mundo. Ito rin marahil ang dahilan kung saan ang balat ay ginagawang negosyo. Ginagawan ng paraan para pagkakitaan at minamani-obra ng iilan para maging batayan ng kagandahan at kung ano ang katanggap-tanggap para sa lipunan. Kaputian at kakinisan ang nagiging batayan dahil ito ang imaheng kalimitang pinapakita sa iba't ibang uri ng media.
Hinihimok ang ating pag-iisip na kung gusto natin ng “primera klaseng” balat ay magagawan ng paraan. Nagmistulang puting “wrapper” lang ito na maaaring bilhin sa tindahan kung gusto mong balutin ng kagandahan at maging kahanga-hanga sa paningin ng iba. Hindi nakakapagtaka kung bakit ang daming ina-advertise na pampaputi, pampaganda at pampakinis ng balat. Nariyan rin ang mga beauty clinics na nagmimintina at nagpapanatili ng mga naghahangad magkaroon ng kutis-artista at mala-porselanang balat.
NIPIS AT KAPAL NG BALAT
Madalas ang balat ang indikasyon para matantya ang edad ng isang tao. Sumasabay ang balat sa mga kaganapan ng buhay. Habang bata pa ang isang tao, manipis ang balat sa mga elemento sa kaniyang paligid. Parang “BALAT-SIBUYAS” ito na sensitibo kaya dobleng ingat ang pag-aalaga dito.
Ang mga karanasan at pagsuong sa mga hindi pambihirang hamon ng buhay ay nagpapakapal sa dating manipis na balat ng tao. Madalas dahil sa kagustuhan ng tao na maging matagumpay at lamang sa iba ay KINAKAPALAN ang balat sa MUKHA para maging “BALAT-BAYAWAK.” Ang hiya na napapaloob sa katawan ay hindi na maarok dahil sa sobrang kapal na nito.
Kung ang pagkatao ay binalot na sa“balat-bayawak,” wala na itong kapasidad para damhin ang mga pangangailangan ng kapwa at magkaroon ng DELIKADEZA. Nagiging MAGASPANG ang balat pati na rin ang pag-uugali. Hindi na rin alintana ng tao na binabalatan nito ng buhay ang kapwa sa kaniyang mapanirang aksyon at salita.
PAGBABALAT SA BALAT
Minsan naisip ko ano kaya kung ang tao ay binalatan ng balat. Siguro ito na ang pagkakataon ng pagkakapantay-pantay ng lahat. Siguro ito na ang pagkakataon na makita ang tunay na hangarin ng kapwa. Siguro ito na ang pagkakataon na mabalatan ang mga nagba-BALAT-KAYO.
PANIBAGONG BALAT
Ang “balat-bayawak” na bumabalot sa pagkatao ay maaari pang numipis kung ang PUOT, GALIT at INGGIT ay hiludin na parang mga libag sa katawan. Pagkatapos ay sabunin at haplusin ito ng PAGMAMAHAL, KABAITAN at PAGTANGGAP SA PAGKAKAIBA NG LAHAT.
Sa pagkakataong ito ang dating SUGATAN at MAKALYONG balat na nagpapa-AGNAS sa pagkatao ay nagbibigay pagkakataon sa panibagong balat na umusbong para sa isang MASIGLA at MAY KATUTURANG BUHAY.


'CARE'
Rey Jorca Supranes

(Article written for the hotel's newsletter)
Care is a four letter word that can mean nothing if we will not use it through dynamic exchange. We can let it flow by means of giving and receiving. It can make amazing things happen if we keep it alive and vital. It is considered as one of life's precious gifts.
In the hospitality industry we belong in, care must be consistently demonstrated throughout the workplace. We must let it flow like a river with the intention of bringing happiness and satisfaction to our customers. It is fitting to say that care is one of the pillars of character.
We should know that our purpose in our line of work is to deliver "first class" service to our customers. An excellent and great service would not be possible without care. So care is very important in the aspect of performing our duties. It is because we care that we make sure our accommodations are with style, comfort and convenience, the conference facilities are ideal for all occasions and events, the packages are of great value, our amenities are something they have to enjoy on.
Care can't be a flame if we will not let it spark. The best way to put it into operation is by always activating our five senses: sight, touch, hearing, smell and taste. Every department in this hotel can specialize in one of the five senses in keeping care into action.
Sense of Sight for Housekeeping
Housekeeping Room Attendants can show that they care by having an eye for details. Attention to details is guaranteeing that we care to have a clean and impeccable rooms for our guests.
Sense of Touch for Maintenance
King Midas in Greek mythology is popularly remembered to turn everything he touched into gold thus the term 'midas' touch. Our maintenance personnel can show care by having a 'midas' touch in keeping the device in working order. A good maintenance personnel can retain and restore an item in the hotel in or to a state which it can perform its required function.
Sense of Hearing for Front Desk
Listening and understanding what the guests would like to communicate are the best care a front desk staff could ever give. Developing an active listening skills in what the guests would like to convey in order to avoid misunderstanding is a good manifestation that we care. When you care to understand what the guests want and making an action right away to a particular request best define your work in the front desk.
Sense of Smell for Sales Department
Sales representatives care when they know how to smell what is potential business for the hotel. Exploring all the possibilities on how the guests would appreciate the packages the hotel offers is care. Having a good nose to smell what is of great value in making the guests stay a memorable one in our hotel is an excellent care to their needs and wants.
Sense of Taste for Food and Beverage Attendants
Food is a substance that gives humans nutrition and pleasure. Care can best be shown to our guests if we have good taste for food. The guests would greatly appreciate if our food and beverage attendants know how to cater to every taste, are good in food preparation and are expert in diversifying the food they offer. A new, exciting and diverse menu is the best way to our guests' heart.
Care is like our currency in the hospitality industry. After all, it is the essence of humanity and we have unlimited power in dispensing it to make a big difference.


Sunday, 19 July 2015

'TUBIG PAG-IBIG'
Rey Jorca Supranes

Patak.
Ulan; luha.
Mula sa
Kalangitan; mata.
Biyaya.
Tigang na lupa; matigas na puso.
Pumapawi ng
Matinding init; panggagalaiti.
Buhos.
Sinasalo; pinapahiran.
Nagdidilig; nagpapalambot.
Lupang uhaw; pusong bato.
Daloy.
Sumusuot; naiibsan.
Kailalaliman; kaibuturan.
Uhaw na ugat
Nakakalasap; nangungusap.
Pag-asa.
May aanihin; may damdamin.
May kakainin; may kapayapaan.
Ulan at luha.
Mga tubig.
Mga pag-ibig.


MGA BANTAS AT PANANDA NG PAGMAMAHALAN
Rey Jorca Supranes
Ang tao ay nagdedesisyon na parang mga bantas at pananda (punctuation marks) sa pagbibigay pagkakataon sa isang relasyon. Ang napagdesisyunang tuldokan (.-period) ang isang relasyon ay nagkakaroon ng mga tandang pananong (?-question mark). Ang panipi (“ “-quotation marks) sa mga salitang binitawan ng minamahal ang magtitimbang kung bibigyan ito ng isa pang pagkakataon. Bibigyan ng kudlit (‘ – apostrophe) ang kanyang pangalan upang akuin at maging responsable sa mga namutawing salita sa kanyang bibig. Tutuldokan smile emoticon:- colon) ang mga kundisyones para sa muling pagsisimula ng relasyon. Magbibigay babala (! – exclamation mark or interjection) na huwag ng uulitin ang pagtataksil. Sasabihin sa minamahal na sa bagong simula walang pahilis na guhit (/ - slash mark) kakabit ng pangalan nito at kailangang siya lamang sa buhay nito at wala ng iba pa. Maglalagay ng krus na pananda (+ - plus sign) sa mga magagandang pag-uugali ng minamahal upang ipagpatuloy nito ang ganitong gawain. Sa iisang layunin lalagyan ng palasa (>-arrow) na ito ang kanilang magiging adhikain upang sila ay pumasok sa isang panaklong ( ( ) - parentheses) para sa pag-iisang dibdib kung saan ang pangalan ng babae ay magkakaroon ng gitling (- hypen) . Ang dalawang taong nagmamahalan ay magkakaroon ng kuwit ( , - comma) para sa kanilang itataguyod na pamilya.