Wednesday 15 July 2015

'Luha Ni Inay'
Rey Jorca Supranes

Nakakulong sa mga nagkikislapang mga mata
Pumipiglas, umaaklas;
Humihiyaw, gumagalaw.

Kalayaan ay nais makamtan
Pag-agos ng tagos;
Pagdaloy ng tuloy-tuloy.

Pumapatak mula sa galak
Ang balong pinagmumulan,
Damdamin ng isang inang sinisilayan
Sanggol na galing sa sinapupunan.


No comments:

Post a Comment